Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R13 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
Regional Profile
120201-r13-groundbreak

Regional directors, representatives of the government agencies, and some private stakeholders together with Butuan City Mayor Ferdinand Amante, Jr. and other officials witness the inauguration of the Department of Science and Technology (DOST) Caraga’s new Science and Technology Center, as well as the groundbreaking of its Metrology Laboratory at the Caraga State University (CSU) Campus, Barangay Ampayon, Butuan City headed by Regional Director Lyndo Villacorta. (PIA-Caraga)
CARAGA Region

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

Tagalog News: Bagyong “Sendong” nag-iwan ng isang sugatan; 12,104 pamilya apektado ng baha

by David M. Suyao

AGUSAN DEL SUR, Jan. 6 (PIA) -- Sa kalagitnaan ng pananalasa ng bagyong “Sendong” sa Agusan del Sur, isang tao ang nasugatan at 597 pamilya ang naapektuhan; 48 bahay ang nasira at 216 ang hindi lubusang nasira.

Si Tammy Payot, 25, ng San Francisco, Agusan del Sur ay tinamaan ng nahulog na sanga ng puno habang nagaalis ng nagkalat na mga kahoy at basura malapit sa Adlayan Bridge. Dahil ditto, kinailangang putulin ang kanyang kanang paa nang siya ay dalhin sa D.O. Plaza Memorial Hospital.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 12,104 pamilya o 60,900 katao ang mga naging biktima ng bagyong Sendong sa buong lalawigan ng Agusan del Sur, ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

May mga pamilyang tumakbo sa mga kamag-anak nang kasagsagan ng bagyo. Samantala, may 3,033 pamilya o 15,061 katao ang nagsilikas sa mga evacuation centers tulad ng gymnasium ng bayan, eskuwelahan, simbahan, barangay at munisipyo.

Ayon kay Roberto Natividad, pinuno ng PDRRMO, nagpadala agad sila ng search and rescue teams na nagdala ng rubber boats at mga rescue vehicles sa bayan ng Rosario at San Francisco na siyang pinakaunang dalawang bayan na humingi ng tulong sa PDRRMO.

Sa kasalukuyan, habang abala ang mga residente ng mga naapektuhang mga bayan ng bagyong “Sendong” at ng baha sa paglilinis ng kani-kanilang mga bahay at bakuran, abala naman ang Provincial Social Welfare and Development (PSWD) sa pagalay ng tulong.

Napag-alamang umabot na sa 200 na kahon ng sardinas na may lamang 100 bawat kahon, 235 na kahon ng noodles na may lamang 72 pakete bawat kahon at 279 sakong bigas ang naipamigay sa mga biktima ng bagyo at baha. (PIA-Caraga)

 
Latest Stories
  • Feature: Yacon juice and tea (R13)
  • Feature: VCO has no cholesterol content according to FNRI-DOST (R13)
  • Feature: Coconut sugar and syrup are promising alternative sweeteners (R13)
  • Feature: Most fruits have low Glycemic Index (R13)
  • Tagalog news: Feature: Produkto mula sa yakon ginawa ng FNRI (R13)
  • 165 newly promoted police officers take oath (R13)
  • Tagalog news: Feature: Piliin ang mga produktong may Sangkap Pinoy Seal (R13)
  • Agusan del Sur to implement “Tingog 2015” (R13)
  • Cebuano news: Aquino gipasindunggan ang mga manaug sa Galing Pook 2011 Awards (R13)
  • DPWH assures completion of high impact tourism projects in Siargao Island (R13)
  • Feature: It all began with a single step (R13)
  • Feature: 4 Cabinet members turnover 6,000 armchairs (R13)
  • DENR 13 to produce 1.4M fruit tree seedlings for NGP this year (R13)
  • Tagalog news: 7 iskolar sa Australia mula Agusan del Sur nagtapos (R13)
  • Cebuano news: Puerto Princesa Underground River sulod na sa New Seven Wonders of Nature (R13)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines