Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R13 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Mindanao
Regional Profile
120201-r13-groundbreak

Regional directors, representatives of the government agencies, and some private stakeholders together with Butuan City Mayor Ferdinand Amante, Jr. and other officials witness the inauguration of the Department of Science and Technology (DOST) Caraga’s new Science and Technology Center, as well as the groundbreaking of its Metrology Laboratory at the Caraga State University (CSU) Campus, Barangay Ampayon, Butuan City headed by Regional Director Lyndo Villacorta. (PIA-Caraga)
CARAGA Region

PIA Press Release
Monday, January 30, 2012

Tagalog news: 7 iskolar sa Australia mula Agusan del Sur nagtapos

by David M. Suyao

AGUSAN DEL SUR, Enero 30 (PIA) -- Pitong iskolar mula rito na nagtapos sa kanilang pag-aaral sa Australia ang pinarangalan sa lingguhang flag ceremony sa harap ng kapitolyo dito sa Patin-ay kamakailan lamang. Ang mga iskolar na itoay mga empleyado ng panlalawigang pamahalaan na nagpakadalubhasa sa kursong Animal Studies, Environment Management, Human Resource Management at Public Finance dahil sa pagiging magkatuwang ng lalawigan ng Agusan del Sur at ng Australian Human Resource Development Facility (PAHRDF) sa pamamagitan ng Australian Aid (Ausaid).

Mula ng magkatuwang ang lalawigan ng Agusan del Sur at ang pamahalaan ng Australia noong 2006, 27 eskolar na ang pinadala ng pamahalaang panlalawigan sa Australia para mag-aral sa kolehiyo o kaya’y magpakadalubhasa ng iba’t ibang kurso. Sa 27 na mga eskolar, 26 na ang nakapagtapos at may isa pang naiwan doon para tapusin ang kanyang pag-aaral sa New Castle, Australia na nagpakadalubhasa sa Human Resource Management.

Ang pamahalaang panlalawigan ng Agusan del Sur ay siyang gumastos sa mga allowances ng mga eskolar na nag-aral sa mga tanyag na unibersidad sa

Sydney, Melbourne, Caberra, New Castle, Adelaide, Perth and Darwin sa Australia habang ang pamahalaan ng Australia naman ang sumagot ng kanilang tuition fees at iba pang mga gastusin sa unibersidad sa loob ng panahong sila ay nag-aaral.

Base sa ordinansa na ipinasa ng panlalawigang pamahalaan ng Agusan del Sur, ang mga nagtapos na mga iskolar ay kailangang magtrabaho muna sa pamahalaan sa loob ng anim na taon pagkatapos na sila ay magsipagtapos ng kanilang pag-aaral, bilang pasasalamat sa pagkakataong ibinigay ng pamahalaan.

Nang bigyan ng pagkakataong magsalita sa harap ng mga empleyado ng kapitolyo, nagpasalamat ang mga iskolar sa pagkakataong ibinigay sa kanila ng pamahalaan, at nagpasalamat din sila sa mga kasamahan sa trabaho na tumulong sa kanila habang sila ay nag-aral pa sa Australia.

“Kami ay lubos na nagpasalamat sa panlalawigang pamahalaan ng Agusan del Sur sa pagkakataong ibinigay sa amin, na hindi mapantayan ng salapi. Sa pagkakataong ito, kami ay nangakong dito namin ibubuhos kung ano man ang aming natutunan sa labas ng bansa. Dito sa atin, tayo ay magtulungan para maiangat ang ating kalagayan sa buhay,” sabi ni Angelita Salo, isa sa mga iskolar.

 
Latest Stories
  • Feature: Yacon juice and tea (R13)
  • Feature: VCO has no cholesterol content according to FNRI-DOST (R13)
  • Feature: Coconut sugar and syrup are promising alternative sweeteners (R13)
  • Feature: Most fruits have low Glycemic Index (R13)
  • Tagalog news: Feature: Produkto mula sa yakon ginawa ng FNRI (R13)
  • 165 newly promoted police officers take oath (R13)
  • Tagalog news: Feature: Piliin ang mga produktong may Sangkap Pinoy Seal (R13)
  • Agusan del Sur to implement “Tingog 2015” (R13)
  • Cebuano news: Aquino gipasindunggan ang mga manaug sa Galing Pook 2011 Awards (R13)
  • DPWH assures completion of high impact tourism projects in Siargao Island (R13)
  • Feature: It all began with a single step (R13)
  • Feature: 4 Cabinet members turnover 6,000 armchairs (R13)
  • DENR 13 to produce 1.4M fruit tree seedlings for NGP this year (R13)
  • Tagalog news: 7 iskolar sa Australia mula Agusan del Sur nagtapos (R13)
  • Cebuano news: Puerto Princesa Underground River sulod na sa New Seven Wonders of Nature (R13)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines