PIA Press Release Tuesday, January 31, 2012Tagalog news: Feature: Piliin ang mga produktong may Sangkap Pinoy Sealby Victor J. Alfonso, Jr.Alam ba ninyo na sa mga kabahayan na nakasama sa surbey ukol sa mga produktong pagkain na may Sangkap Pinoy Seal (o SPS), walo sa bawa’t 10 sa kanila ang bumibili ng produkto na may SPS? Ito ay ayon sa 7th National Nutrition Survey na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (o FNRI-DOST). Tandaan, pag bumibili ng processed foods, laging hanapin ang tatak ng Sangkap Pinoy. Ang Sangkap Pinoy Seal (o SPS) ay tatak na ibinibigay ng Department of Health bilang katunayan na ang mga produktong mayroon nito ay nakapasa sa tamang antas ng food fortification o dagdag sustansiya gaya ng bitamina A, yero (o iron) at yodo (o iodine). Makakamit ang tamang nutrisyon sa abot-kayang presyo sa mga produktong pagkain na may SPS. Ngunit tandaan na ang pagkain ng iba’t-ibang uri ng pagkain ang siya pa ring tuntunin sa tamang nutrisyon at kalusugan. Ang impormasyong ito ay hatid ng FNRI-DOST, ang pangunahing ahensiya ng gobyerno sa pananalilsik sa pagkain at nutrisyon. Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address: mvc@fnri.dost.gov.ph, mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang 837-2934/837-3164 Maari ding bisitahin ang FNRI-DOST website: http://www.fnri.dost.gov.ph (FNRI-DOST S & T Media Service: Info Bits/PIA-Caraga) |